at sana naman...
im sure everyones talking about this right now..no doubt everyones thinking about the things that have happened these past few days..everyones waiting with anxiety and paranoia what will happen next..and im sure everyone has their 2 cents worth on the subject..so if you guys dont mind heres mine..ill write (rather post) here whatever pops in my head as we move along..
inang bayan,
kamusta ka na? sana nasa mabuti kang kalagayan..sana hindi ka nahihirapan..naririnig ko kasi ang mga balita tungkol sa iyo, at mukhang hindi magaganda ang mga nababalitaan ko..bakit ganito ang nangyayari sa iyo?? habang tumatagal eh mukhang lumalala ang kalagayan mo..alam ko, wala akong karapatan na magsalita at wala naman akong magandang naidudulot sa iyo..sa ngayon kararampot pa lang ang masasabi kong naging aking kontribusyon..hindi man ako nakakatulong sa iyong ekonomiya sa ngayon eh masasabi ko sa iyo na kahit papano naman eh kahit ganito lang ako di naman ako gumagawa ng kahit anong hakbangin para maging pabigat sa iyo..
ngunit bakit may iilan na wala na atang hinangad kundi pahirapan ka..eto sila, nagsasabi na para rin sa iyo ang ginagawa nila pero hindi ba nila nakikita na mas nakasasama ang mga aksyon na pinapatupad nila..wala akong kinakampihan--administrasyon man o oposisyon..pero bakit ganun, para daw sa ikauunlad at sa kinabukasan mo daw lahat ng "sakripisyong" ginagawa at gagawin nila..pero hindi ba nila nakikita na dahil sa hidwaan eh malamang wala na tayong dadatnan na kinabukasan..
ano kaya noh, kung gawin na lang natin silang lahat na presidente?? tutal, lahat sila gusto ng kapangyarihan...tapos hayaan natin silang magdebate na magdebate magdamag..hmmm, pwede rin na gawin nating ala pinoy big brother house ang malacaƱang palace para masaya di ba..
madami pa sana akong gustong sabihin sa iyo inang bayan..pero hindi ko mailapat sa salita...nakakalungkot lang isipin ang nangyayari sa iyo ngayon..naalala ko dati, sa gitna ng lahat ng mga kaganapan eh nangako ako sa iyo na kahit anong mangyari eh hindi ako lilisan..magkahirapan na at lahat pero hindi kita iiwanan..sa mga nangyayari ngayon mukhang kakainin ko ung mga sinabi ko..sana naman hindi..
alam ko may pag-asa pa..hindi ka nagiisa at alam mo yun..marami pa rin ang nagmamahal sa iyo..marami pa rin ang umaasa na balang araw eh giginhawa rin tayo..sana hindi sila mawalan ng pagasa..at sana ikaw rin..sana magising na ang lahat ng tao at magkasundo sundo..tutal iisa lang din naman ang gusto ng lahat eh at yan ang magkaroon ng maginhawang at mapayapang buhay..sa piling mo
nakakatawa lang isipin noh..dalawampung taon na ang nakalipas nung humanga sa atin ang buong mundo sa ating ginawa..kahit hindi man ako nakasama dun sa pagkilos na yun, isa yun sa mga bagay na masasabi ko dati na kaya kong maipagmalaki na pinoy ako..ngayon sa pagbabalik tanaw..kaliwat kanan ang opinyon..may mga nagsasabi na wala ding nangyari, may mga nagsabi naman na may pagbabago..pero kung anuman yon, yung nangyari nung isang araw, eh parang hindi ko na sya kayang ipagmalaki...