the blue room

guess you wonder; whats with the title..well its kinda corny..as youve might guessed it: my room is blue..but as most of us are, we do spend a lot of our time in our rooms..to rest, to do some school stuff, to hang around or just like me...to have a place where i can be alone and think about almost everything...

Sunday, May 01, 2005

madaling sabihin ngunit mahirap gawin....

*bago nyo basahin ay humihingi na ako ng agad na paumanhin at tinamaan na naman ako ng kabaliwan...*


bakit ganun? bakit may mga bagay sa mundo na hindi mo maintindihan? na hindi mo maunawaan? o mabigyan man ng kasagutan? bakit paminsan malabo ang tao? halimbawa, kapaga ang ibang tao ay may problema, madalas nating sabihin sa kanila na "kaya mo yan", "lilipas din yan" at "wala yan"..pinapayuhan natin sila na may pag-asa pa.. ngunit bakit kapag tayo na ang may problema, eh ayaw nating makinig at maniwala sa parehas na payo..

paminsan sa sobrang bigat ng problema ay pakiramdam natin na wala ng pagasa...na wala ng solusyon--na di ka makakalusot o di mo malalampasan ang iyong suliranin.. pero nakakatawang isipin na sa likod ng utak mo ay alam mo na marami ka na ring napagdaanan na pagsubok; mga pagsubok na sa tingin mo ay mas mabigat pa kaysa sa kasalukuyan mong pinapasan..o di kaya maisip mo na may mga tao na may mas mabibigat na problema kaysa sa iyo--na wala pa sa kalingkingan ang problema mo kumpara sa kanilia..

pero bakit pagkatapos mong isipin ang lahat ng yan eh doon pa rin ang bagsak mo---na mahirap pa rin ang problema mo...hindi ba't parang hindi na rin tayo naniniwala sa ating mga pinaniniwalaan..na paminsan ay hindi maiiwasan na tayo ay maging mga hypokrito sa mismong sarili natin..

siguro likas na sa tao ang maging ganun...marami sigurong dahilan kung bakit..at mukhang kukulungin ang entry kong ito kung iisa isahin pa natin..


wala lang...naisip ko lang----"anlabo ko noh" =P...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Site Meter